Goodbye memories.

Dahil sa boredom, naisipan kong buksan ang Friendster Account ko. Ayun! Malayo sa inaakala ko. Kala ko minor change lang, MAJOR-MAJOR pala.

Hindi mabubuo ang teenage life ko kung walang Friendster. Naalala ko dati, tuwing internet period namin, walang isang computer ang hindi nakalog-in sa friendster. Pagandahan ng themes, pahabaan ng testimonials, pakornihan ng profile pictures, padamihan ng videos at glittergraphics sa page. Haha. Naalala ko din na dahil doon, updated ako sa nangyayari sa taong gusto ko, nagkabati kami nung mga kaibigan kong halos isang taon kong nakatampuhan, nahanap ko yung taong naging mahalaga na din sa buhay ko, nagkaroon ako ng communication sa Tita kong matagal ding nawala at nalaman kong nasa ibang bansa na pala siya. Kung iisipin, madaming nasayang nung binago nila yung Friendster. Effort, pictures, memories, at testimonials ng friends at ni crush. Hindi pa corny or jologs dati ang friendster. Bakit? Kasi yun pa lang naman ang meron tayo. Pumangit lang naman to nung sobrang lumobo na ang bilang ng users, di mo na alam kung yung iba totoo o poser, naglabasan ang mga jejemon at mas sumikat pa si Facebook at si Tumblr. Ganun naman tayo eh. Kung baga si Friendster, Ex-boyfriend o Ex-girlfriend natin. Madalas, wala tayong nasasabing maganda sa ex lalo na kung puro pangit na memories ang meron tayo sa kanila (isang bagay na hindi ako makarelate kasi nga NBSB ako, hahaha) at kung nakahanap na tayo ng pampalit sa kanila. Nagsisi ako kung bakit hindi ko sinave ang laman ng Friendster ko before ito binago. Wala eh. Nasayang lahat ng highschool memories.

Tss. Nagbago lang naman ang Friendster, andami ko ng sinabi. Haha. Walang lang. Nalungkot lang akong bigla nung maalala si First Love. Hindi kung sino ah. Si Friendster nga. First social networking site.

Adios!