Late post is late: KWENTONG RN :)


So kahapon nga lumabas yung result ng Nursing Board Exam. Friday pa lang ng gabi excited na ako at kinakabahan, sabi kasi baka nung Friday ilalabas kung tapos na ang deliberation. Buong gabi hindi na ako nakatulog kaya kinaumagahan, puyat. Bumangon na rin ng maaga kasi nga hirap matulog. Hehehe.


Nung Sabado, lagi ko ng kinukulit yung cellphone ko. Baka kasi may updates about sa result, sabi baka 1pm. Pero nag-2pm na lang, wala pa rin. Siguro, pinag-iisipang masyado ng BON yung deliberation. Haha. Nakatulog ako, salamat naman. Pagkagising ko, gabi na. Lagi ko tinatanong si Mama kung di ba siya kinakabahan. Biro ko pa, “Ma, RN o hindi, anak niyo pa rin ako huh” :D Si Papa, pinapakalma ako. Kahit ano daw mangyari, tanggapin dapat, kasi yun yung will ni God. Tama nga naman. Ready na rin ako dun. Ready na maging RN. Hahaha. Hindi ko na masyado pinansin ang oras. Bago kami kumain, chineck ko yung cellphone ko. GM. GM. GM. NLE UPDATE - Lumabas na daw ang Top10. O.O Ayun, nawala yung gutom.

Pero kunwari, kalmado ako. Kumain kami, kumain ako ng hindi ko man lang nalalasahan yung pagkain. Sa isip ko, “Ganito kaya ang feeling ng bibitayin? Aantayin mo yung kamatayan mo or yung pagbabago ng decision ng palasyo na buhayin ka”. Seryoso, ganun talaga yung naramdaman ko. Dasal ko lang talaga na ang tadhana ko ay yung pangalawa. Confident ako na ang kalalabasan ay will ni God, pero hindi ako confident kung yun ba yung magugustuhan ko o hindi. Mahirap kasi sa mahirap yung exam. Nalagas ang mga neurons ko. (RIP to my dead braincells)

After kumain, nakatanggap ako ng message galing kay Momie Cams.

“Congrats RN”

Waaaa. Good news. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

“Momie, nakapasa ako? Nakita mo?” muntanga na tanong. Hahaha.

“2362 ANTIPUESTO REDAWNA MARIE IMASA”, reply niya.

Ayun na. Sobrang saya. Lumundag-lundag ako papunta kay Mama. Tapos na iyak na ako sa sobrang tuwa. Hinanap namin ang panagalan ko sa list ng passers to confirm. Bingo!!! Nag-iisang apelyido. Hahaha. Pinuntahan ko si Papa. Tapos niyakap niya ako. Umiyak ako ng sobra at nag-thank you. Kahit tahimik lang si Papa, naramdaman ko talaga na proud na proud siya sa akin. Tapos lumapit si proud Mama, umiyak na din. Ang saya lang.

Nung nakita ko ang pangalan ko, si Lord una kong pinasalamata

n. Dabest ka Lord! Hindi mo talaga ako pinabayaan :))

Proud na proud din ako sa mga kaibigan ko na nakapasa. Tsaka tumaas yung passing rate ng school namin. Woohoo.

Syempre, proud din ako sa mga hindi. Kasi alam kong ginawa nila ang lahat ng makakaya nila at alam kong gagawin pa rin nila ang best nila sa susunod. Hindi pa talaga siguro ito yung oras nila. So far, positive naman sila. At masaya sila para sa amin. Hindi pa rin ako titigil sa kakadasal para sa kanila. Yun ang kelangan nila ngayon, dasal at suporta.

Gusto ko talaga magpasalamat kay Lord. Kahit ilang beses pa, di ako mapapagod. Salamat Lord sa guidance at lakas ng loob, sa knowlegde at wisdom, sa lahat. Salamat din sa pamilya at relatives ko, kay Papa at Mama dahil sa all out support, sa love, sa guidance, sa motivation at sa trust na magagawa ko ‘to. Salamat sa NDU CHS Family, sa Clinical Instructors, sa mga BSN friends. Salamat sa PRIME ANGELS FAMILY! Kayo na talaga. Haha. Kay Doc Thianlyn Chu, Ma’am Mitz, Ma’am Bem, Sir Neil, Sir Lintao, Sir, G, Ma’am Dao-ayen, Ma’am Tuyan, Ma’am Nids, Ma’am Fely, Sir Phyleep, Sir Poly, Ma’am Jen, Sir Anthony, Sir Eric, at sa lahat na. Salamat sa A2 Loves, Myrmibhoms, friends, tumblr friends, boyfriends, enemies at sa lahat talaga. Salamat sa prayers at inspirations.

Mahaba na. Salamat! HAHAHA :)