Ambivalence
Nakauwi na ako sa Cotabato. Balik sa normal na buhay. Mamimiss ko ang Davao. As in. The long rides, yung tipong nakakatulog ako sa jeep/taxi kapag may pinupuntahan. Yung confusing routes, na mas pipiliin ko na lang minsang magtaxi para hindi mawala sa city. Yung patayan sa sakayan kasi paunahan. Mga driver na nakakabadtrip dahil kahit alam nilang wala ng maupuan, basta kulang pa sa bilang ng pasahero, ipagsisiksikan. Yung traffic lights na tahimik na nagpapalit ng ilaw pero minumura ng mga driver. Aun! Madami pa. Yung lugar na araw-araw kong dinadaan for three long months. Yung 6-floor building na araw-araw kong inaakyat para sa review, yung mga co-reviewers ko, ang lecturers and funny staff. Yung tablemates ko na share-share hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa sagot during mastery exams. Yung mga kilig moments na hindi mapapantayan. All good things come to an end. Ganun? Hahaha. Matagal naman siguro akong makakabalik maliban na lang kung maisipan kong maghanap ng trabaho habang nag-aantay ng result ng board exams. Hahay Pero syempre, masaya ako at nakauwi na. Namimiss ko na si Papa, Mama, at mga kapatid ko. Si Juan at Meetot na aso at pusa. Yung malaking kama at malamig na kwarto. Yung unlimited internet. Haha. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa Davao. But it’s not my place. So, move on. Haha.