❒ Single ❒ Taken ✔ GRADUATE NA :)
Wala na talaga bawian ito. Graduate na talaga kami. Ang sarap sa pakiramdam na after ilang years, nakapagtapos rin kami. Sobrang saya at sobrang lungkot. Andiyan na yung wala ng pasok, hindi na gigising ng maaga, wala ng requirements, wala ng mga nakakaantok na lessons, terror na teachers at mga annoying na classmates. Pero andiyan din yung mamimiss mo yung mga araw na may pasok, yung kulitan kasama ang classmates, yung kopyahan (hahahaha), yung cramming tuwing maraming requirements, yung gulo at ingay kapag wala pa yung teachers, yung pasilip-silip sa classrooms makita mo lang ang crush mo, yung mga moments na paggising mo sa umaga unang dinadasal mo na makita ang crush mo, yung pagtambay sa library para matulog at makipagchismisan, mababait na teachers, enjoy at toxic na duty hours, mapa-am, pm at graveyard shift. Hayy. Kahit ilang beses kong sinabi na "I hate school", hindi ko madedeny na mamimiss kong masyado ito. Yes, may review pa, parang school lang din, pero hindi mapapantayan ang excitement sa college life. Sobraaaa.
Hindi ko na maibabalik ang panahon noon, pero sigurado naman akong marami akong babauning kwento sa future. Hindi ko man maalala lahat-lahat, hindi ko naman makakalimutan yung mga natutunan ko sa four years kong namalagi sa school ko.
Salamat sa lahat ng mga nagpasaya, nagpalungkot, nagpakilig, nagpainis, nagpangiti at nagpaiyak sa akin. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang College life ko.
Cheers NDU BSN Graduates. Sa CHS angels, SOAR HIGH. Huwag tayong makuntento sa *insert name here*, BSN. May RN pa. USRN, MAN, at yung iba MD. Hehehe. Good luck sa lahat. Hindi pa dito natatapos ang paglalakbay natin. Malayo-layo pa, pero along our way, huwag kalimutang mag-enjoy, matuto at magmahal.
Till we meet again :)