Feeling RN
So bago lang talaga, andito pa rin yung mga tao sa bahay, may nagkabanggaan sa harap mismo ng bahay namin. Lumabas lang ako para makichismis at tignan na rin yung sasakyan ng bisita namin. Bumaliktad talaga yung tricycle. Lumabas si papa, dahil sa super bait niya, tumulong siya sa mga nadisgrasya. Inutusan akong kumuha ng yelo at liniment. Paglabas ko ng pinto namin, marami ng tao sa balcony namin. Tapos andun yung mga may sugat, naka-upo sa bench namin, halos mawalan ng malay. Walang ayos-ayos sa katawan, nagdressing ako ng mga sugat. Sana andito mga groupmates ko.
"Mabuti na lang may nurse dito." sabi ng kung sino.
"Ayy! Hindi pa po ako nurse. Hindi pa po ako naggraduate"
"Pero kahit na. Sa mga emergencies, maswerte kaming may nurse"
Ayy! Natouch naman ako dun. :))
Pero ayu, kawawa yung babae na halos puro galos yung mukha niya. Maputi pa naman siya at maganda. Tapos yung crush ko na driver (oo, may mga driver ding cute noh", nasugatan din at napilayan. Pero mabuti hindi malala yung injury.
Proud na proud sa akin yung mga maliliit kong kapatid. Hahaha. Sila yung assistants ko. Hayy. Maliit na bagay lang yun para sa iba, pero para sa natulungan, malaking bagay yun. Hindi sila matapos-tapos sa pag-thathank you sa papa ko. Pumasok na ako ng bahay kasi nahiya naman ako sa itsura ko:P
Imagine life without nurses