formspring.me
Tell me more. http://formspring.me/princessaaa08
There's more to life than just to live :)
So kahapon nga lumabas yung result ng Nursing Board Exam. Friday pa lang ng gabi excited na ako at kinakabahan, sabi kasi baka nung Friday ilalabas kung tapos na ang deliberation. Buong gabi hindi na ako nakatulog kaya kinaumagahan, puyat. Bumangon na rin ng maaga kasi nga hirap matulog. Hehehe.
Pero kunwari, kalmado ako. Kumain kami, kumain ako ng hindi ko man lang nalalasahan yung pagkain. Sa isip ko, “Ganito kaya ang feeling ng bibitayin? Aantayin mo yung kamatayan mo or yung pagbabago ng decision ng palasyo na buhayin ka”. Seryoso, ganun talaga yung naramdaman ko. Dasal ko lang talaga na ang tadhana ko ay yung pangalawa. Confident ako na ang kalalabasan ay will ni God, pero hindi ako confident kung yun ba yung magugustuhan ko o hindi. Mahirap kasi sa mahirap yung exam. Nalagas ang mga neurons ko. (RIP to my dead braincells)
After kumain, nakatanggap ako ng message galing kay Momie Cams.
“Congrats RN”
Waaaa. Good news. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.
“Momie, nakapasa ako? Nakita mo?” muntanga na tanong. Hahaha.
“2362 ANTIPUESTO REDAWNA MARIE IMASA”, reply niya.
Ayun na. Sobrang saya. Lumundag-lundag ako papunta kay Mama. Tapos na iyak na ako sa sobrang tuwa. Hinanap namin ang panagalan ko sa list ng passers to confirm. Bingo!!! Nag-iisang apelyido. Hahaha. Pinuntahan ko si Papa. Tapos niyakap niya ako. Umiyak ako ng sobra at nag-thank you. Kahit tahimik lang si Papa, naramdaman ko talaga na proud na proud siya sa akin. Tapos lumapit si proud Mama, umiyak na din. Ang saya lang.
Nung nakita ko ang pangalan ko, si Lord una kong pinasalamata
n. Dabest ka Lord! Hindi mo talaga ako pinabayaan :))
Proud na proud din ako sa mga kaibigan ko na nakapasa. Tsaka tumaas yung passing rate ng school namin. Woohoo.
Syempre, proud din ako sa mga hindi. Kasi alam kong ginawa nila ang lahat ng makakaya nila at alam kong gagawin pa rin nila ang best nila sa susunod. Hindi pa talaga siguro ito yung oras nila. So far, positive naman sila. At masaya sila para sa amin. Hindi pa rin ako titigil sa kakadasal para sa kanila. Yun ang kelangan nila ngayon, dasal at suporta.
Gusto ko talaga magpasalamat kay Lord. Kahit ilang beses pa, di ako mapapagod. Salamat Lord sa guidance at lakas ng loob, sa knowlegde at wisdom, sa lahat. Salamat din sa pamilya at relatives ko, kay Papa at Mama dahil sa all out support, sa love, sa guidance, sa motivation at sa trust na magagawa ko ‘to. Salamat sa NDU CHS Family, sa Clinical Instructors, sa mga BSN friends. Salamat sa PRIME ANGELS FAMILY! Kayo na talaga. Haha. Kay Doc Thianlyn Chu, Ma’am Mitz, Ma’am Bem, Sir Neil, Sir Lintao, Sir, G, Ma’am Dao-ayen, Ma’am Tuyan, Ma’am Nids, Ma’am Fely, Sir Phyleep, Sir Poly, Ma’am Jen, Sir Anthony, Sir Eric, at sa lahat na. Salamat sa A2 Loves, Myrmibhoms, friends, tumblr friends, boyfriends, enemies at sa lahat talaga. Salamat sa prayers at inspirations.
Mahaba na. Salamat! HAHAHA :)
Dahil sa boredom, naisipan kong buksan ang Friendster Account ko. Ayun! Malayo sa inaakala ko. Kala ko minor change lang, MAJOR-MAJOR pala.
Hindi mabubuo ang teenage life ko kung walang Friendster. Naalala ko dati, tuwing internet period namin, walang isang computer ang hindi nakalog-in sa friendster. Pagandahan ng themes, pahabaan ng testimonials, pakornihan ng profile pictures, padamihan ng videos at glittergraphics sa page. Haha. Naalala ko din na dahil doon, updated ako sa nangyayari sa taong gusto ko, nagkabati kami nung mga kaibigan kong halos isang taon kong nakatampuhan, nahanap ko yung taong naging mahalaga na din sa buhay ko, nagkaroon ako ng communication sa Tita kong matagal ding nawala at nalaman kong nasa ibang bansa na pala siya. Kung iisipin, madaming nasayang nung binago nila yung Friendster. Effort, pictures, memories, at testimonials ng friends at ni crush. Hindi pa corny or jologs dati ang friendster. Bakit? Kasi yun pa lang naman ang meron tayo. Pumangit lang naman to nung sobrang lumobo na ang bilang ng users, di mo na alam kung yung iba totoo o poser, naglabasan ang mga jejemon at mas sumikat pa si Facebook at si Tumblr. Ganun naman tayo eh. Kung baga si Friendster, Ex-boyfriend o Ex-girlfriend natin. Madalas, wala tayong nasasabing maganda sa ex lalo na kung puro pangit na memories ang meron tayo sa kanila (isang bagay na hindi ako makarelate kasi nga NBSB ako, hahaha) at kung nakahanap na tayo ng pampalit sa kanila. Nagsisi ako kung bakit hindi ko sinave ang laman ng Friendster ko before ito binago. Wala eh. Nasayang lahat ng highschool memories.
Tss. Nagbago lang naman ang Friendster, andami ko ng sinabi. Haha. Walang lang. Nalungkot lang akong bigla nung maalala si First Love. Hindi kung sino ah. Si Friendster nga. First social networking site.
Adios!
"Tara na", ang sabi ko kay Ann. Feeling ko late na kami sa party ng Prime. At may bago sa kanya, nakaskirt siya at nakasandals. Yes, bago un dahil hindi naman talaga siya ganun.
"Bebe, dapat pala talaga hindi ka nagsusuot ng skirt.", natatawa.
"Bakit?", tanong niya.
"Hindi bagay", pagtatapat ko. At siya, natawa na lang at biglang nawala.
Inakbayan ako ng lalaking hindi ko naman talaga kilala. Nakapulang poloshirt, matangkad, at sabihin na nating gwapo. At pinagtataka ko lang bakit parang magkakilala kami, close pa. Ewan. Naguguluhan ako.
"Tara na, ihahatid kita", yun lang ang sinabi niya at bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa sakayan.
Nang dumating kami, andami ng tao. Nasa ibaba pa lang kami ng building nakita ko na si Karen, Jodi, Jet and Kissmet.
"Mosquitoooo!", tawag ni Jet. Hindi ako lumingon. Alam kong tutuksuhin na naman ako nun sa crush kong Mosquito nga ang apelyido.
"Mosquitooooooooo!", mas malakas, mas maraming boses akong naririnig sabay tawa.
Nilingon ko sila. "Jet! Boyfriend ko. Sssshhhh!" Sabay turo sa lalaking may hawak ng mga kamay ko. Nagulat din ako sa sinabi ko. Hindi ko siya kilala.
Kahit na sa sinabi ko, hindi pa rin tumigil ang mga bruha. Hahaha.
Nasa huling baitang na kami paakyat sa pangyayarihan ng party ng nagsimula naman ang panunukso ng mga kasama ko sa review center. Same same. Lahat sila tinatawag ako sa apelyidong weird. Tinignan ko ang kasama ko, parang wala siyang naririnig. Patuloy lang sa paglakad. Hindi ko alam pero inulit ko rin ang ginawa ko.
"Woi. Boyfriend ko oh. Boyfriend ko", depensa ko. Nagtawanan lang sila. Mukhang hindi naniniwala.
Nakita ko si Mosquito, or should I call him Anthony, sa gilid ng hagdan. Kasamang nakaupo ang mga pamilyar din namang mukha. Tumingin siya sa amin at binalik din ang tingin sa mga kasama niya.
"Good morning Sir", bati ko. Tumango lang siya at hindi tumingin sa dako ko.
"Okey", nasabi ko sa isip ko.
Pagdating namin sa itaas, mas maraming tao. Nawala na yung misteryong lalaking kasama ko. Nakatayo lang ako sa isang gilid, malapit sa elevator. May isang Prime Angel na sinusubok yung elevator na yun kung gagana ba. Gumana nga. Nasa loob si Harris at Harold. Biglang lumapit sa akin si Labs at maya-maya si Doc Chu. Kinakausap niya kami about sa board exams.
"Ano 'to?" Biglang nawala ang mga tao at biglang nasa isang parang school o perya na kami. Malabo sa akin yung paligid. Andaming tao, pero nakikita kong karamihan mga kasama ko pa rin sa Review Center. Nanghiram ako kay Steph ng phone para matext sila Mama nang biglang nagtakbuhan ang mga tao.
"Takbo! Tagooooo!" Sigawan ng mga tao. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nawala rin yung mga kaibigan ko. Ewan. Baka nagsitakbuhan na rin. Biglang may humawak sa kamay ko. Hinila ako papunta sa mga classrooms. Hindi ko kilala kung sino siya, hindi ko pa nakikita ang mukha. Ang importante, maligtas ako. "Lord, anong nangyayari?", isip-isip ko.
Nung alam kong medyo malayo na kami sa mga tinawag nilang kalaban, nilingon ko ang may-ari ng kamay na nakahawak sa akin. Laking gulat ko kung sino ang nakita ko.
"Sir?!"
"Magtago ka diyan", sabay tulak sa akin sa isang classroom.
Nilibot ko ang loob ng classroom, andoon ang mga kaibigan ko. Hawak-hawak ko ang kandado ng pinto. Ingat na ingat na hindi kami makita sa labas. Pero nasa labas si Anthony, nagbabantay. Nasilip ko kung sino yung mga kalaban na sinasabi nila. Anak ka ng... mga bata pala. May kanya-kanya silang sumpit, at kung ano-ano pa. Mas natakot ako para sa mga taong nasa labas pa. Nagsisigawanng babae, nanlalaban na mga lalaki. Hayy. Naguguluhan ako. Bakit ganito? Party ang pinuntahan ko hindi gulo.
Napansin kami ng isang batang bandido. Pinipilit niyang pumasok at malamang, kunin kaming mga nakatago sa loob. Kunin, saktan, patayin? Hindi ko alam. Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kandado. At ng muli akong sumilip sa labas, naglalaban na sila ni Anthony. Nakita kong may hawak na patalim yung bata. Si Anthony, wala.
"Sir! Pasok ka na dito. Please!", sabay bukas ng pinto at lalabas ako para iligtas siya. Nilingon niya ako at nagulat siya.
"Pasok doon. Huwag kang lumabas", galit na sigaw niya.
Sa ginawa ko, nawala ang konsentrasyon niya sa kaaway at bigla siyang nadunggab ng patalim. "Nakaiwas siya", kung statement yun or hiling, hindi ko na alam. Pero nakita kong nakahiga na siya sa lupa. Saka naman ang pagdating ng mga pulis. "Leche! Kahit kelan huli kayo. Kahit hindi sa movie!", banat ko sa mga pulis na pakamot-kamot lang ng ulo.
Tinayo ko sa Anthony at inalalayan papasok sa loob ng classroom. Pinunasan ko ang buhok niyang basa sa pawis gamit lang din ang kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kasalanan ko ang lahat. Dali-dali kong tinaas ang poloshirt niya at tiningnan ang sugat. Salamat sa Panginoon. Daplis lang. Mas malaki pa ang sugat na nasa puso ko ng may nalaman ako tungkol sa kanya. At ayun. Naalala ko, brokenhearted pala 'to siya. Kakabreak nila ng girlfriend niya.
"Mas masaya siguro ang parents ko kung hindi nila ako pinanganak noh?" Biglang tanong niya.
"Huwag mong sabihin yan. Alam mo kung ano ang mas nakapagpasaya sa kanila. Yung nabuhay ka. Tsaka may mas masaya ngayon kasi buhay ka. At nakilala ka niya.", sabi ko sa kanya habang pinupunas naman ang pisngi niya.
"Sana nga.", sabi niya.
"Alam kong may problema kang mas malaki", sabay tulo ng luha ko.
"Ano?" tanong niya.
"Nalaman kong wala na daw kayo", sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Hayaan mo na yun. Wala na sa akin yun. Tinanggap ko na". sabi niya sabay ngiti.
"Nilalagnat ka!" pansin ko.
"Wala 'to. Pagod lang." At sabay kaming natawa.
"Anong gusto mo? Gagawin ko lahat", habol pa niya. Nagulat ako at nadiinan ng hawak ang sugat niya. "Aray! Galit ka?" tanong niya.
"Anong sabi mo?" untag ko sa kanya.
"Yun na yun"
"Hmm. Ngumiti ka na ulit. Tumawa. Yun lang, masaya na ako." Sabi ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti. Yung ngiting talagang namiss ko. Yung ngiting nagustuhan ko sa kanya una pa lang.
"Alam mo katext ko si Steph last night". Kinabahan ako. Baka may nasabi na naman itong makulit kong kaibigan.
"Sabi niya, ang ganda daw ng ngipin mo.", sabi niya sabay tawa.
"An-"
"Sabi ko Oo, cute ka, mabait, nakakatuwa. Kinikilig daw siya", nangingiting sabi niya.
Natatawa na lang ako. Kinikilig. Kahit kelan talaga si Steph. Hmmp! At sa ganung ayos pa kami huh, yung nag-aagaw-buhay siya. Hindi naman talaga. Kasi buhay na buhay siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang saya ko. Sabay kaming bumalik sa kung saan ang party ng Prime Angels. Pero nasa daan pa lang kami, nakita ko na sila Steph. Hinila nila ako at nagpapasama sa lalaking gusto ni Steph. Aamin na daw siya. Nilingon ko si Anthony, tumango lang siya. At isang halik sa noo ang ginawad niya bago umalis. Nagulat kami. At sigurado akong namumula ang mga pisngi ko ng mga sandaling yun.
"Wala ng oras!" pagpupukaw sa akin ni Steph. Sabay takbo kami sa kinaroroonan ng gusto niyang tao. Nilingon ko ulit si Anthony, wala na siya. Ang bilis naman niya. Sa pagmamadali namin, nadapa ako.
Kasabay ng pagkahulog ko ay ang paggising ko. Tengene! Panaginip lang ang lahat. Kahit isang magandang nangyari doon ay hindi pala totoo. Sa lahat ng panaginip, isa ito sa mga detalyeng naalala ko pa kahit pagkagising. Sana hindi na lang. sana isa na lang ito sa mga panaginip na hindi naaalala. Ano bang iniisip ko kagabi? Ahhh! Yung issue na wala na nga sila ng girlfriend niya. Alam kong miserable siya ngayon kaya nalulungkot ako. Tsk! Hayy. Miss ko na ang Prime Angels. As in! Sana makita ko na sila ulit.
So, ayun nga. Panaginip lang 'to. Ito ang dahilan ng past 10am kong gising.
Good day :)
Hindi ako yung taong ikakasaya kapag naghiwalay yung gusto ko at ang kasintahan niya. Hindi ako yung hihiling ng "Lord, sana maghiwalay na sila. Please. Please." Alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin. YUNG MGA TOTOONG TAONG NAKAKAKILALA SA AKIN. Paano ako magiging masaya kung nalulungkot siya? At kahit kailan hindi ibigsabihin na kapag wala na sila, magkakagusto na siya sa akin or magiging kami na. Look, kung totoong gusto ko siya, or mahalaga siya sa akin, dapat ang laging hiling ko ay yung kabutihan niya. Kahit kelan at kahit kanino, hindi ako yung taong sisira at makikisawsaw sa relationship nila kahit sabihin pa nating mahal ko talaga ang taong yun. Nakakinis minsan, may mga taong, "Hoy Dawn, break na sila! Party2x!" or "Break na sila. Let's celebrate." HINDI AKO GANYAN KASAMA.
Ang point ko lang, respeto sa taong nawalan ng pag-ibig. Kthnxbye!>.<